Get Your Premium Membership

Kaibigan Mag Pakaylan Man

Isang babaeng sa kolehiyo ko nakilala Babaeng gagawin lahat upang ika'y mapasaya Handa kang damayan sa lahat ng parusa. Parusang hindi kahahayaan sumaya. Handang gawin lahat ng iutos Kahit labag sa kanya ay buhos. Buhos ang kanyang pagmamahal halos Hindi mabilang ang mga utos. Ganyan siya kung mag mahal Kahit mahirap ay isusugal Mabilis man o mabagal Siya ay hindi bibigay. Kaya sa aking pag papaalam, pasasalamat Ang aking ipapahayag dahil ikaw ay alamat. Alamat na hindi kailan man magkakalamat Ang pag kakaibigan natin ay higit pa sa sapat. Kaya kaibigan ko salamat sa lahat Sa mga sakripisyong buhat Sa mga prinsipyong kagat kagat At sa mga kalokohang hindi malilimutan ng lahat. Sana sa aking pag alis Hindi mag bago ang mga nais. Tapusin ang nasimulan mong ninanais Pag darasal ko sayo'y bumabatis.

Copyright © | Year Posted 2017




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Reflection on the Important Things