831 Pagsusumamo sa Dios
831.
Pagsusumamo sa Dios
(1) Oh Dios naming Tagapaglikha
Na may akda ng aming tadhana
Ako ay nagsusumamo
Na sa CapSU ay ibalik po
(2) Ako ay naroon noong una
Nagtuturo sa mga bata
Isang dedikadong guro
Na nais ngayong maging AO
(3) Sa Education maaari akong manguna
UP Graduate na, may Masteral pa
Mataas ang pinag-aralan ko
Para sa pagiging AO
(4) Sa Experience maaari ring manguna
Ako yata ang may pinakamahaba
Nagtrabaho sa pribado at sa publiko
Pasok ako sa pagiging AO
(5) Sa Eligibility maaari ring manguna
May Civil Service na, may LET pa
Naging Civil Servant at Guro
Puwede rin sa pagiging AO
(6) Sa Exam maaari ring manguna
Nasagutan ko lahat ng tanong nila
Kung sa CSE at LET nakapasa ako
Pasado rin dapat sa pagiging AO
(7) Sa Trainings maaari ring manguna
May CPD na, may NC2 pa
Merong training sa Ateneo
Piliin na ako sa pagiging AO
(8) Sa Interview maaari ring manguna
Nasagot ko naman mga tanong nila
Mga sagot mula sa isip at puso
Patungo sa pagiging AO
(9) Pero kahit tantiyado ko na
Ang ating panguguna
Akin paring siniguro
Ang ating panalo
(10) Sa mga Makapangyarihan umapela
Humingi ng tulong at pag-asa
Sapagkat kinikilala ko
Ang impluwensiya ng mga ito
(11) Sana ang pagbigyan nila
Ay yung walang-wala na
Isang pulubi na gaya ko
Hindi yung meron nang trabaho
(12) Dahil noong ako ay mawala
Sa CapSU ilang tao na
Ako ay back-to-zero
5 taon na walang trabaho
(13) CapSU nalang ang aking pag-sa
Sa iba ay wala na talaga
Kung ako ay pagbibigyan muli rito
Mamahalin ko nang lubusan ito
(14) Siya ay aking sinisita
Palaging nasa aking gunita
Siya ay nasa aking puso
Laman din lagi ng isip ko
(15) Oh CapSU na aking sinta
Tayo ay pinagtagpo at itinadhana
Sana ay muli ako
Na makapaglingkod sa iyo!
-10/31/2022
(Dumarao)
*My CapSU Comeback
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a
Premium Membership.