788 Ang Pagkorona ng Tinik at Ang Pagputong ng Hibik
788.
Ang Pagkorona ng Tinik
at Ang Pagputong ng Hibik
At isinalta si Hesukristo
Sa kamay ng mga Praetorio
Oras Na! Oras Na! Isinalta na!
Lalansihin na Siya!
Sila ang mga sundalo
Mga galamay ng Imperyong Romano
At ng tinik kanilang kinoronahan
Ang pinaratangang hari-harian
At isinalpak si El Gordo
Kina Baladhay, Hapitan at Clavero
Oras na! Oras na! Isinalpak na!
Lalaruin na siya!
Sila ang mga LPardo
Mga galamay ng Paaralang Tanco
At ng hibik kanilang pinutungan
Ang pinagbintangang UNA-UNAhan
Ang paggawad ng madugong Corona
Mula ba kay Iblis o kay Allah?
Dios ba ang nagpapahamak
Sa itinuring Niyang mga anak?
-04/08/2020
(Dumarao… Holy Wednesday)
*Unique Holy Week
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a
Premium Membership.