59 Muni-Muni ng Guni-Guni
59.
Muni-Muni ng Guni-Guni
Wala nang piglas sa bakal na gapos
Gigil na pangil ‘di pigil pagyapos
Poot ay lubusan kong natatalos
Kahit patuloy paring minumulto
Ng anino ng pumariwarang pagkatao
Huwag pong ikukubli mahabaging puso
Kahit ako'y salat na sa lakas
Dahil sa mga sugat ng nakalipas
Huwag po tutulutan na tuluyang malagas
Ako'y nakikinig sa pagbasa ng sentensiya
Mga tenga'y bukas, piniringan man mga mata
Dustain man sa yamot, sa awa Mo'y tiwala
Talim ng ‘yong dila sa puso tusok
Mga aral nito'y pinapapasok
Sa bulwagan ng diwang ‘di pa bulok.
-11/26/2011
(Dumarao)
*sentimental mood
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a
Premium Membership.