30 Pilipinang Kana
30.
Pilipinang Kana
Ako'y isang Pilipina
Na nagtungo sa Tsina
Upang bumisita
Sa maysakit kong lola.
‘Di ko na ipinagtaka
Kung ako'y ‘di nakilala
Sapagkat siya'y ulyanin na.
Ang ‘di ko lang malimutan
Nang ako'y pagkamalan
Na isang taga-Kanluran.
‘Pagkat ang sinabi ba naman
“Hey, what are you doing here, woman?
Do I know any American?”
My gosh! Sa laking gulat ko
Mga mata ko'y nanlobo
At nawalan ng malay-tao.
Nang ako'y magising
Mga ilaw nakaduduling
And everybody's dancing.
Ako'y nasa diskuhan nga pala
Nalasing at naidlip tuwina
Gayak panggala, pusturang pang-Kana.
Buhok na kinulayan
Labing nilipstikan
Mukha nga akong American.
Para sa mga di-makaunawa
At mga Maria Clarang Pilipina
‘Wag niyo akong itatwa.
Kung si Rizal nga'y naka-Americana
Ako pa kaya? – Modernang Pilipina!
-07/30/2008
(Miagao)
*for Kim Carlm Jagorin in PI 100
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem. Negative comments will result your account being banned.
Please
Login
to post a comment
Turn off ads, get more exposure for your poetry, and get more features with a
Premium Membership.