Greeting Card Maker | Poem Art Generator

Free online greeting card maker or poetry art generator. Create free custom printable greeting cards or art from photos and text online. Use PoetrySoup's free online software to make greeting cards from poems, quotes, or your own words. Generate memes, cards, or poetry art for any occasion; weddings, anniversaries, holidays, etc (See examples here). Make a card to show your loved one how special they are to you. Once you make a card, you can email it, download it, or share it with others on your favorite social network site like Facebook. Also, you can create shareable and downloadable cards from poetry on PoetrySoup. Use our poetry search engine to find the perfect poem, and then click the camera icon to create the card or art.



Enter Title (Not Required)

Enter Poem or Quote (Required)

Enter Author Name (Not Required)

Move Text:

Heading Text

       
Color:

Main/Poem Text

       
Color:
Background Position Alignment:
  | 
 

Upload Image: 
 


 
 10mb max file size

Use Internet Image:




Like: https://www.poetrysoup.com/images/ce_Finnaly_home_soare.jpg  
Layout:   
www.poetrysoup.com - Create a card from your words, quote, or poetry
Karahasan Ng Pag-Ibig
Magdadapit-hapon na't ang kalangita'y nagku-kulimlim, naghahalo ang madugong pagka-lunod ng araw sa sinag ng buwang nagbu-bughaw, ang anino ng aking pag-iisa'y namumula sa pagka-bagot, isipa'y nagkapunit-punit, sugat sa katinua'y walang tigil sa pag-durugo, animo'y nahiwa ng napaka-talas na labaha, habang ang ulo ko'y nakabaon sa mapapaklang mga palad, parang patay na dagang nabubulok sa libingan ng kabiguan. Sa harap ng dalampasigang nangingitim sa hapdi, damdamin ko'y unti-unting gumuguho, nadudurog sa lindol ng kalungkutan, nawasak sa malakas na hampas ng palakol, at ang mga pirasong duguan ay tumilapon sa karagatan ng kamatayan. Sa bawat sampal ng hanging malamig, dala-dala ang ihip ng pagdurusa sa aking pisngi, ang tanging kanlunga'y lilim ng dambuhalang mahogany, sa gitna nito'y ang dambana ng ating sagradong tagpuan, nagbabaga sa tuwing naglalapatan ang mapupusok nating mga halik, ngunit ngayo'y nag-aapoy dulot ng iyong kataksilan. Mga ugat ng berdeng lumot sa giwang ng mga adobe'y kumapit sa tamis ng dati nating mapangahas na pag-iibigan, hindi alintana na ang daigdig nati'y tinatangay ng rumaragasang pagnanasa, mga kamay ko'y nanginginig sa haplos ng mala-sutla mong balat, marahil ay sin-kinis ng balat ni Anne Curtis, katawan ko'y dinuduyan ng maka-mundong kaluwalhatian, ina-anod sa agos ng makulay na musika ng harana sa tuwing dumadapo ang iyong mainit na mga labi sa aking leeg, paningi'y tila naglalakad sa kalsadang yari sa malalambot na mga balahibo ng libong puting kuneho, at ako'y nasa tuk-tok ng kaligayahang uma-apaw sa ubod ng sarap na tunay na pagmamahal. Subalit ang aking mga buto't lama'y nangingisay tuwing sumasagi sa isipan ang mga ala-alang may kamandag ng iyong pan-loloko, damdami'y nakahandusay sa putik ng naka-lalasong pag-ibig, para bagang tinusok ng karayom ng pighati, nakabulagta ang pusong pinaslang ng brutal na dalamhati, at ang kaluluwa ko'y nakabigti sa bangungot ng pag-durusa. Habang pinagmamasdan ang mga along panay ang tadyak sa mga bato, mga luha'y hindi mapipigilan sa pag-tulo, isa-isang pumapatak sa mga butil ng mga buhanging sin-puti ng mga nitsong nakahilera sa lumang sementeryo, ang mga bangkay sa loob ng mga ito'y naninilaw na, tulad ng aking mga matang naninilaw rin sa pait ng matinding pag-hihinagpis.
Copyright © 2024 Gianni Pansensoy. All Rights Reserved

Book: Shattered Sighs