KAKAMPI

Written by: George Anos

Buhangin sa iyong balikat, 
mula sa pagkakadapa,
Maiitim na markang iyong nakikita,
Di ba bumangon ka? 

Di nga bat pinakita mo 
ang tapang mong totoo?
Ng ngumiti ka lamang 
sa galit ng mundo

Harapin ang pagsubok 
Gabutil man oh gabundok
Pagkakaisa ng pananalig 
Pusot isipay masigasig

CHORUS 1
Ng mawala ka sa panalangin 
Mong malalim at taimtim
Dun mo nakita,
Nun nadama 
Sa buhay kailanma’y di ka magiisa
Pagkat kasama mo siya
Palad mong magkadaop
Mga matang nakatiklop
Pagtawag mo…. Kapayapaan sa Puso
END OF CHORUS 1

kaliwa’t kanang sampal ng trahedya
matinding gutom ng sikmura
Sa gitna ng alinlangan
Di bat pumito ka lamang?

Lalim ng ngisi’y makahulugan,
Ininit na ng hulmahan,
Ng hipan mong papalayo,
Ang buhawi ng tukso

Dilim man o init ng araw
Wag kang bibitaw
Samot saring abala,
Sa tikas mo’y di uubra

CHORUS 2
Ng mawala ka sa panalangin 
Mong malalim at taimtim
Lakas ay nabuhay 
Ang puso’y tumibay
Sa sagupa at laban ng iyong buhay,
Pagkat kapiling mo siya,
Palad mong magkadaop
Mga matang nakatiklop
Pagsamo mo….. Gabay ng iyong mundo
END OF CHORUS 2

Habol mo ang iyong hininga,
Sa pagbubuhos ng lakas,
At ng maging talunan,
Di ba’t tumango ka lang?

Sa gitna ng pagkutya,
Kamao ba ang sandata?
Ng ialay mot ilahad,
Sa mabuti mong hangad

Sa laro man o sa buhay,
Lagi kang maging pantay,
Ilang beses ka mang mabigo,
Ang tulad mo’y di susuko

REPEAT CHORUS 1 THEN 
CHORUS 2