Submit Your Poems
Get Your Premium Membership


See and share Beautiful Nature Photos and amazing photos of interesting places



Quote of the Day

Quote Left"The harder you work, the luckier you get."Quote Right

by Gary Player

  |  Comment

Pork Barrel

gianni pansensoy Avatar  Send Soup Mail  Block poet from commenting on your poetry

Below is the poem entitled Pork Barrel which was written by poet gianni pansensoy. Please feel free to comment on this poem. However, please remember, PoetrySoup is a place of encouragement and growth.

Read Poems by gianni pansensoy

Best Gianni Pansensoy Poems

+ Fav Poet

Pork Barrel

Pera!
Beinte mil lang honey pie!
Damit!
Kahit Gucci lang!

Mas masarap marahil ang umaga kung ang bungad ay ang
iyong pag-lalambing,
bawat sulok ng aking mukha'y hinahagod ng mga malalambot
mong mga daliri,
pintig ng aking puso'y iyong pinakikinggan,
init ng aking mga yakap ay tangi mong hinihingi,
yaong hindi nabibili ng salapi,
ngunit ang mga tenga ko'y nabibingi,
mga hiling mo'y tila umaali-ngawngaw,
tumitili,
bawat ugat sa aking utak ay sumasabog,
buong katawan ko'y nagma-manhid.

Cellphone ko'y pagmasdan mong maigi,
tinubuan na yata ng nerbiyos,
nababaliw sa tuwing tumatawag ka,
nabubulok,
naluluma,
nag-dedeliriyo,
mga keypad nito'y kulang-kulang na,
kahit pampa-ayos nito'y ibinigay na sa iyo.

Mula ng makilala ka,
tila'y isang napaka-among anghel,
boses mo'y nakaka-akit,
kaya ang buhay ko ay nagkanda leche leche,
mundo ko ay niyanig,
lugmok sa matinding kahirapan,
balot na ay baon pa sa kaliwa't kanang mga utang,
lahat ng mayroon ako ay iyong inangkin,
ganid ka at napakasuwapang,
buwiset na pagmamahal na ito,
totoo at walang kupas,
Peste!
napaka-hirap matakasan,
walang-hiyang alindog mo at aking binabalik-balikan,
kaya ang karukhaa'y pabalik-balik din.

Hindi ako isang senador,
bilyong piso ang nakulimbat sa PORK BARREL,
hindi rin isang congressman,
bilyong piso ang nakurakot sa PDAF,
lalong hindi isang swindler,
ako ay suko na,
ang tustusan pa ang mga bisyo mo ay hindi ko kakayanin,
alak,
casino,
shabu,
isa kang delubyo,
napaka-saklap na delubyo.

Isabelle,
sa ilalim ng araw,
buhok mo ay ginto,
kusang kumikislap,
hitsurang hawig na hawig ni Solenn Heusaff,
mahahabang pilik-mata'y nakaka wala ng ulirat,
sin-ganda marahil ng isang reyna ng mga diwata,
hubog ng iyong katawan ay tila inukit ng isang batikang
eskultor gaya ni Michaelangelo,
daig mo pa yata ang hugis ni Megan Young,
subalit,
ang lahat ng ito ay wala ring kabuluhan,
tatanda at kukulubot din sa di kalaunan,
Parang awa mo na!
Lumayas ka sa aking harapan!
Sumpa man sa langit!
Umalis ka sa aking mga paningin!
makamandag mong alindog ay maglalaho sa aking dugo't puso.
Hala layas na!


Post Comments

Please Login to post a comment



A comment has not been posted for this poem. Be the first to comment.