Get Your Premium Membership

Best Poems Written by Roger A Pautan Jr

Below are the all-time best Roger A Pautan Jr poems as chosen by PoetrySoup members

View ALL Roger A Pautan Jr Poems

12
Details | Roger A Pautan Jr Poem

Limang Tanaga Tungkol Sa Panulaan Sa Pilipinas

I.	Panahon ng Katutubo: Ugat ng Kasaysayan

Gahol man kahulugan,
Lumagong kasabihan
Sunugin man kawayan,
Ugat ng kasaysayan.

II.	Panahon ng Kastila: Rehiliyo’y Nagturan
Binago’t dinagdagan
Ng kastilang dayuhan
Turong kaugalian,
Relihiyo’y nagturan.

III.	Panahon ng Amerikano: Amerikano’y Laan 
Sa wika’t karunungan
Binuhay kalayaan
Pagmamahal sa Bayan
Amerikano’y laan.

IV.	Panahon ng Hapon: Dugo’t Tinta’y Binatak
Gintong kultura’t wika
Yumabong, kinilala
Pilipino’y tinatak
Dugo’t tinta’y binatak.

V.	Kontemporanyong Panahon: Sabay Ikot sa Mundo
Sumibol sa silangan,
Dumaming panitikan
Sabay ikot sa mundo
Pagbabago, lalago.

Copyright © Roger A Pautan Jr | Year Posted 2021



Details | Roger A Pautan Jr Poem

Makapangyarihang Wika

Ikaw ang nagsimula, kailan ma'y 'di na mamawala
Dahil sayo' y binuo mo ang mundo
Ang ngayon ang bukas, ang pagkadakila
Mula sa isip, hangang sa entablado
Lunan ka maging sa saya at dalita
Pati na sa larawan milyong diwa ang tinuro
Ganyan ka kamakapangyarikan-Wika

Salamin ng kasaysayan, landas ng bukas
Dugong pagkakakilanlan, ang nilikha
Ginto sa lupa, sa tubig ay hiyas
Iyong Pinagyaman silang mga dukha
'Di dahil sa bilang kundi ika' y likas
Pinag-ugnay ang araw at buwan gamit ang pluma
Ganyan ka kamakapangyarikan-Wika.

Copyright © Roger A Pautan Jr | Year Posted 2021

Details | Roger A Pautan Jr Poem

Ang Balangkas Ng Buhay: Siyam Na Araw Ng Tulang Panata

I. Ang Simula ng Simula

"Pintor, Manlililok, Anluwage't Arkitekto, 
Retradista, Manunulat, isang Panadero.
Planado ang ngayon, bukas, maging ang kahapon.
Kahit ano paman, ika'y aming Panginoon." 

II. Ang Paglikha

"Sa'yong salita, kanyamaso'y binigyang buhay, 
Ginuhit ang layon, pinta'y ibat-ibang kulay. 
Brotsang kay dakila, mas masilaw pa sa araw,
Gabi'y ipininta ng kumikimtab, umiilaw."

III. Mga Pinagmulan

"Hindi sa bato't kahoy, kundi dahil sa luwad,
Sa alikabok, hinulma't Sa'yo itinulad.
Paghinga't kaluluwa ibinigay kay Adan,
Tadyang nama'y kay Eva ito ang pinagmulan." 

IV. Pag-ikot ng Kasalanan

"Nagsimula ang kasalanan, ang karahasan, 
Nang mamulat sa kabutihan at kamalian. 
Metro't iskwala, sukat parin ang kalayaan, 
Mundo'y napako sa pag-ikot ng kasalanan." 

V. Batong-panulok

"Tunay, matibay, kongkreto ‘yan ang Pag-ibig Mo.
Pinaghalong ga-buhanging himala ang mundo, 
Pati kaming mga batong bubuo sa templo.
Ikaw ang pundasyon, ang proteksyon sa dilubyo." 

VI. Ang Pagkakita

"Ang buong diwa ay ang pananampalataya;
Ang makakita't maniwala'y mamamanata. 
Animo'y sa retrato, wala ngunit gunita.
Tanaw sa lente ng Iyong puso at haraya." 

VII. Nag Markang Awa

"Ang dugo ang siyang nagsulat at siya ring nagbura;
Naglimbag ng awa at natanggal sa'ming sala. 
Dahilan ng  kabanata't ang unang salita. 
Ang Simula, ang bukas, ang Magandang Balita." 

VIII. Ang Tinapay ng Buhay

"Ang tinapay ng buhay, sa’ming mga nilalang;
Ang minasang aral,  pag-asa lalo sa ilang.
Kahit na walang lebadura ang sanlibutan,
Aalsa ang pananalig, lakas makakamtan." 

IX. Lahat ay may Dahilan

"Kung ang ngayon man ay sinubok ang katapangan,
Pagkakasala,  siya ring aming pananagutan.
Dahil ang masining Mong balangkas ay patunay,
Lahat may dahilan, pagkat ikaw ang naghanay." 

Wakas...

Copyright © Roger A Pautan Jr | Year Posted 2021

Details | Roger A Pautan Jr Poem

Gutom

Hahayaan kong marinig mo, ang bawat pag kabog at paghagulgol nitong nasa loob ko.
Simula, mula simula ako ay tulala habang nag-iisip kung ano ang isusulat na tula.

Wakas, hanggang saw akas bakas parin ang nilagyang gapas
 Noong ang loob ay nagdarasal na kumalas patungo sa bagong bukas.
Ngayon, pilit paring ginagamot ang pilat na sa akin ay iginapos.
Ngayon ako ay aahon at sasabihing gutom… ako po ay gutom kaya tulala.
Gutom hindi sa pagkain kung hindi sa salita.

Nauubusan na po ako ng mga salita. 
Mga salitang makapag papaimbulog sa mga damdaming nais kumalas
 at nais gumuhit sa kapirasong papel upang mailabas ang nararamdaman.

Copyright © Roger A Pautan Jr | Year Posted 2021

Details | Roger A Pautan Jr Poem

Pasko Sa Dagat

Habang nilalakbay itong karagatan,
Iba't ibang kulay ng ilaw ang nasisipat
Kadilima'y alay rin sa mamamayan
Puting walang galaw, iba nama'y pakipat-kipat

Parang pasko sa dalampasigan
Ilaw ng mga motor sa dagat, kumukutikutitap
Ang masilaw na puting ilaw, dinaraanan
Sabi'y halika'yo mga isda at kulisap! 

Dasal 'wag lang lumapit ang kidlat
Nang pamilya nami'y huwag mangamba
Hala mga isda pasok at  tuloy sa lambat
Oh kadiliman ikaw rin ay pinagpala

Lamig din ang kalaban, ngunit hindi patitinag
Tuloy lang mga bituin sa pagkislap
Ganito ang gabi, kapag nanlalayag
Saksi sa ilaw ng pagsusumikap at pangarap.

Copyright © Roger A Pautan Jr | Year Posted 2021



Details | Roger A Pautan Jr Poem

Play With Myth

(1)
Send me some hug,
Can't fathom the cold

Send me some light,
And free me from this
Dark, deep, and plutonian pit.

Send me your heart
Through Eros's arrows
Five fathom deep
I'll come to life.

(2)
Feel my bosom
My warmth

Open the gift
There's a key
That would lift

Untangle the ribbon
Before Atropos does
There's no Anteros
But here's me, so Live!
(Roger Roger A. Pautan Jr.) 

(3)
Anteros punished him
With golden arrow, aimed.

Then Atropos took the lead
Called Clotho, commanded
To twirl the thread.

And peace, at last!
Cornucopia of tranquility
With Zephyros's breeze.
And Notus hid, in slumber cast.

(4)
In South's sleep, 
Boreas awakes

Euros's  Deciduous dispersed
Nostalgia to Phthonos
Oh Hera, can he be claimed? 

Where in Anemoi, 
will  Eros's arrow hit
Or can Oizys grief beat? 
The heart of this man has left.

Copyright © Roger A Pautan Jr | Year Posted 2022

Details | Roger A Pautan Jr Poem

Humble Realm

A girl with an earthen jar, (;)
Dim clouds, feels stormy mad.
Long and winding road so far!
Yet arise their crops so glad.

Brisk steps fording a brook,
Skies roar makes quaver voice.
She pass with an eager look,
Now a damsel with a poise!

At the clothesline, there she goes.
Hasty and rash oh rain drops!
Will the stream overflows?
And muse, fond of ripple grasps.

Oh dancing with them please dreams,
If still further she'll sing.
But a ray to reckon gleams,
The mountain's truth is rising.

Copyright © Roger A Pautan Jr | Year Posted 2021

Details | Roger A Pautan Jr Poem

Berdugo Ng Wika

Tanikala ng kahapon, yumabong luhog ng Panahon
Sariling Wika sa Panitikan, Salig sa Pag-ahon
Ng mga dalubwika maging nilang maralita
Sa salita at sa pananampalataya

Huwag padungis, mamalagi sa Bayang nagingislap
Pabuya nito’y hindi mapakla, ito’y lasap
Pangimbulo’y iwasan, Wika’y Mayaman
Hindi hungkag, taglay ang basbas ng kakintalan

Iwaksi ang kabantugan kabisera may bikig at pag-utas
Ng pinanday na Kalayaan, sana’y matalastas
Kanlong mo’y nananangis, inusig
Nilang palamara sa nanaganong gunita

Namumukod sa mga akda, Filipino ika’y panata
Mga awit, mito, bugtong, pati salin dila pinunla ang Wika
Maging tula man o tuluyan, sariling kultura’y ituran
Ito’y maililimbag ng may ngiti at kapurihan.

Copyright © Roger A Pautan Jr | Year Posted 2021

Details | Roger A Pautan Jr Poem

Hindi Basta Bata Lang

Oo at hindi diretso ang iyong kahulugan,
Hindi rin tiyak iyong kinabukasan.
Subalit ika'y luwad ng mapagpalang Ama, 
Sa'yong kamay, hinugis ang sana.

Kaya't ipipilit, iiyak nang maging masaya;
Lulupasay, mag-aala uod sa lupa!
Ganito ka ngayon kaya kinakaladkad, 
Bukas, iba kana't lilipad mamumukadkad.

Taglay mo ang liksi at sigla, ang ngiti at tawa;
Munti man, kayang baguhin pati ang bala.
Daliring animo'y sa mayang walang laya, 
Mata nama'y sa agilang malawak ang haraya.

Taglay mo ang lahat ng pagbabago;
Subalit bulag sila sa mga imahinasyon mo.
Bingi rin silang takot na matuto, 
Dahil sa ingay ng mga salita mong totoo.

Copyright © Roger A Pautan Jr | Year Posted 2021

Details | Roger A Pautan Jr Poem

Tubig

Wara na san mas mayumhok pa sa imo, 
Amo man an pagkalubay mo, 
Wara san maka pugong san imo kumo, 
Bisan an tanan na pader kag kamino.

Maski an pinaka-matarum na minasbad,
Kakalawangon pag ikaw tinadtad.
Ihulog man an pundo sa arong,
Kaya suludon lalo na kun mag bagrong!

Kun ikaw nakapatay, ikaw man nakabuhay,
Nagaistar an turay, naga inom an garay.
Habu man sa imo kun lubog an kadamuan, 
An pabay-an ka nakapalinaw man.

Copyright © Roger A Pautan Jr | Year Posted 2021

12

Book: Shattered Sighs