Get Your Premium Membership

Berdugo Ng Wika

Tanikala ng kahapon, yumabong luhog ng Panahon Sariling Wika sa Panitikan, Salig sa Pag-ahon Ng mga dalubwika maging nilang maralita Sa salita at sa pananampalataya Huwag padungis, mamalagi sa Bayang nagingislap Pabuya nito’y hindi mapakla, ito’y lasap Pangimbulo’y iwasan, Wika’y Mayaman Hindi hungkag, taglay ang basbas ng kakintalan Iwaksi ang kabantugan kabisera may bikig at pag-utas Ng pinanday na Kalayaan, sana’y matalastas Kanlong mo’y nananangis, inusig Nilang palamara sa nanaganong gunita Namumukod sa mga akda, Filipino ika’y panata Mga awit, mito, bugtong, pati salin dila pinunla ang Wika Maging tula man o tuluyan, sariling kultura’y ituran Ito’y maililimbag ng may ngiti at kapurihan.

Copyright © | Year Posted 2021




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Shattered Sighs