Get Your Premium Membership

Mga Katanungan

Mamakailang- ulit nang nangyari 'to? 'di maka- idlip man lang mga mata Ilang ulit na bang nalihis sa mundo? Hating-gabi, ikaw'y saksi!Sumagot ka! Siguro mga sampong beses na yata? Makisimpatya ka't ngumiti man lang! Hindi ba? Kung 'di, tayo't ikaw'y magwika! Hating- gabi, ngayo'y mangusap ka naman! Ako'y iniwan ng taguri'y pamilya. Imbi't ipit sa pugad ng umuusig, Dito sa bangin ng siguro'y sakuna, Tanong ko'y, 'Muli pang iniwan, o, bakit?'. Kung babalik- tanawin ko ang nagdaan Ay hindi ba't mandalas pa sa parati? Sa gali't alimuom man dinamayan Kayo! Ngayo'y 'niwang sa takot lugami? Ganito ba ang aking dapat sapitin Sa libong kabaitang aking napunla? Ito ba'ng igaganti ninyo sa akin Sa tulong kong sa inyo'y sukat nagawa? O, hating- gabi, hiling ko'y sumagot ka! Magkusa kang tugunan 'king mga tanong O kaya'y hugutin yaring mga paa Sa lusak- takot na niri'y nagbabaon! Ikaw nalang ngayon ang ako'y mayroon; Liban sa nasa kamatayan nang buhay. Wala na mga naturingang katotong Tunay. Sila'ng mitya na ako'y mama'mtay!

Copyright © | Year Posted 2015




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

Date: 3/23/2016 10:11:00 PM
Milbert, Enjoyed the way you expressed every line. Please keep writing and sharing your poetry. LOVE LINDA
Login to Reply
Salmasan Avatar
Milbert Salmasan
Date: 10/20/2017 2:06:00 AM
tnak you
Date: 1/16/2016 6:10:00 PM
Milbert, enjoyed reading the words you poured on your poem. Have a wonderful day. **SKAT**
Login to Reply

Book: Shattered Sighs