Get Your Premium Membership

Best Poems Written by Analou Punay

Below are the all-time best Analou Punay poems as chosen by PoetrySoup members

View ALL Analou Punay Poems

Details | Analou Punay Poem

Malaya Kana

sinubukan ko
pero hindi parin pala sapat sayo
akala ko ako na
yun pala
mahal mo parin pala siya

eto ang kwento ng taong minahal ko 
ng buong buo
na di parin pala sapat 
dahil mahal niya lang ako, 
pero mahal na mahal niya ay hindi ako.

na pinaniwala niya ako na wala na sila
at ayaw niya na, pero bandang huli
ako ang sinuko niya 
at pinaglaban niya parin ang taong mahal niya talaga

nung mga panahong lugmok ka
dinamayan kita
ako ang nagsilbing panyo mo 
sa bawat patak ng mga luha sa mga mata mo
ako ang nagsilbing taga pakinig mo 
sa kwento at hinanakit mo na paulit2 mong kinukwento
oo, nakikinig ako pero palihim akong nasasaktan

kasi dimo alam
ayoko na ikaw ay nagkaka ganyan
hinayaan kita na malumpasay sa kalasingan 
at mapagod ka sa kaka iyak 
para masabi mo na din sa sarili mo na 
ayaw mo na at pipilitin mong maging okay ka

isang araw
nagsimula tayong lumabas
magsaya
na tayo lang dalawa
nagtapat ka 
at hindi ako nagdalawang isip na sagutin kita 

kasi mahal na kita dati pa
oo. tama ka
dati pa talaga

akala ko, okay kana talaga
pero nalaman ko nalang sa iba 
na palihim ka parin palang umiiyak
kasi namimiss mo parin siya
at ang masakit
mahal ... mo parin pala siya

ginagamit mo lang pala ako, 
para ipakita lang sa kanya na kunwari okay kana

mahal mo nga ba talaga ako? 
o mas tama bang itanong sayo 
na Minahal mo ba talaga ako?

ako ba ang nakikita mo 
sa tuwing kasama moko? 
o siya?
siya parin ba talaga o ako na? 

wag moko gamitin 
para lang ipakita sa kanya na okay ka. 
wag moko mahalin 
para pilitin sa sarili mo na wala na talaga 

at wag nako lokohin na 
handa kanang mahalin ako 
kung sa likod ng kasinungalingang ito eh 
ang katotohanang mahal mo pa siya

at kaya moko kunwari mahal kasi 
nakikita mo lang ang sarili ko sa kanya
naiintindihan ko na nasaktan ka
pero sana maintindihan mo din na 
nasasaktan din ako

hindi ko ugali makipagkompetensya
kaya kung mahal mo talaga siya
hayh..
di kita pipigilan na balikan siya
o siguro mas tamang sabihin na

iwan mo nako 
at balikan mo nalang siya
sana kung magmamahal ka ulit , 
yung tipong handa kana
at sigurado kana na wala na talaga
na walang KAYO sa binubuo nating TAYO . 

kasi mas matatanggap ko pa 
na iwan moko 
dahil mas pinili mo balikan 
ang taong mahal mo talaga 

kesa maramdaman ko na 
kasama nga kita 
pero hindi pala ako ang nasa isip at puso mo 
kundi siya

tandaan mo
mahal na mahal kita
at kahit masakit papalayain na kita
kaya paalam sayo

bumalik kana sa kanya
pinapalaya na kita
at malaya kana

Copyright © Analou Punay | Year Posted 2019



Details | Analou Punay Poem

Itatama Paba O Tama Na

ITATAMA PABA O TAMA NA?

mahal na mahal parin kita..
kahit alam kong my mahal kanang iba...

ipaglalaban parin ba kita ? 
o talagang tama na para sating dalawa.. ?

gustong gusto ko parin na maging tayo..
kahit na alam kong my bago ka na..
masakit isipin na imbes na balikan moko..
mas pinili mong maghanap at magsimula sa iba.. 
kesa ipalaban at itama ang meron tayong dalawa..

Hindi na nga ba talaga ako karapat dapat sayo?.. 
kulang paba talaga ako,
para hanapin mo sa iba ang mga kakulangan ko? 
sana di ka nalang dumating 
para di nako umasa at aasa pa na sana..  
ikaw na talaga.. 
ikaw nalan sana..

lage mong sinasabi sakin na mahal moko.. 
pero ang hindi ko maintindihan.. 
bakit ka nagbago?.. 
bakit tayo nagbago? 
bakit ka nawala..? 
at bakit iba na ang kasama mo imbes na ako sa buhay mo?..

sabi mo.. 
babalikan moko. 
pero diko maintindihan kung bakit wala kang ginawa.. 
ay mali. meron pala.. 
nagawa mo ng humanap ng iba.. 
imbes na ayusin tayong dalawa.. 
nasan na ba mga pangako mo?? 
puro mapapako nalan ba??

kelangan ko pa bang 
magmakaawa para bumalik ka ? 
o ikaw na magmamakaawa sakin 
para pakawalan na kita..?

itatama paba ?.. 
o tama na ?..

ipaintindi mo sakin.. 
at sabihin mo sakin.. 
kasi kahit alin man at ano man 
ang magiging desisyon mo.. 
masasaktan at masasaktan parin ako... 
at masasaktan mo parin ako.. 

pero iintidihin ko.. 
at maiintindihan ko.. 

kaya sabihin mo.. 
Itatama pa nga ba talaga? 
o Tama na nga talaga?..


MY ORIGINAL PIECE.
ANALOU TESORO PUNAY

Copyright © Analou Punay | Year Posted 2019


Book: Reflection on the Important Things