Get Your Premium Membership

Doble-Kara Nga Ba

Puso ko'y doble - kara nang mahalin kita natutong umasam, magtiwala sa tamis ng iyong pagsinta, subalit nabahiran ng pangamba at kawalang pag-asa nang ako'y umibig, puso ko'y nahati sa dalawa! Puso ko'y doble - kara kapag nakikita kita, sinta lumulukso ang puso, ngumingiti't masaya, ngunit kapagdaka'y nababalot ng lungkot, lumuluha hindi ka maabot at mayakap, bakas ang pait sa mukha. Puso ko'y doble - kara, kulay ay nagdadalawa nag-uumapaw ng walang kapantay na matingkad na pulang-pula, napakadilim naman kapag nasasaktan na't pait ay nalalasahan tila hinuhugot sa kailaliman, binabalot ng itim ang pusong sugatan! Puso ko'y doble - kara sa pagtibok, walang tigil, tumitipa bumubilis ang pintig, tila hinahabol ang paghinga, nanghihina naman at tumitigil sa hampas ng iringan tila puso'y hapo, ayaw nang umandar, hangad lagi ay paglisan. Puso ko'y doble kara, nagmamalupit kapagdaka pilit nakikibaka, nakikituligsa sa di masang-ayunang paksa, nakikiayon naman ito kapag nahimasmasan na at nahinuhang may punto naman at maaari pa'ng isalba. Puso ko'y doble - kara, sa pagmamahal matiyaga pilit umuunawa sa kamalian at pagpapakita ng pagkalinga, ngunit napapagod din sa di maiwasang pangungulila nakakapanghina at ibig na huminto't ipagwalang bahala! Puso ko'y doble kara, tigib sa pagsuyo't pagsinta isinisigaw ang walang kupas at wagas na sumpa, nababalot naman ito na paghahangad at pagnanasa sa pita ng laman, sumasang -ayon at nakikiisa! Ahhh...Isaisahin ko man ang dahilan ng pagiging doble-kara wala nang hahalaga pa sa pintig ng puso'ng umaasa, na tuluyang makamtan kahit mahirap ang magmahal hindi laging masaya, ang magmahal ay mahirap pala! Puso ko'y... DOBLE - KARA nga ba? Inner Whispers

Copyright © | Year Posted 2014




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

Date: 3/21/2014 2:42:00 AM
Perfectly made by the spirit of grief and longing. Nice. Galing.:)
Login to Reply
Whispers Avatar
Inner Whispers
Date: 3/21/2014 2:56:00 AM
Salamat. Elai Glee! I am happy na may mga Filipino poets din pala dito!
Date: 3/20/2014 10:34:00 AM
ang ganda!!! ...pusong doble-kara... nga ba???... ang husay ng pagkakatha, CArole.. isa ka ngang makata..dalubhasa!!! ..^__^
Login to Reply
Whispers Avatar
Inner Whispers
Date: 3/21/2014 1:55:00 AM
lol! Nakakataba naman ng puso ang feedback galing sayo Aiyah! Salamat...pano nga ba translate to? hahaha! Nosebleed ako nito Aiyah...pero try ko

Book: Shattered Sighs