Get Your Premium Membership

Walang Paglagyang Agam-Agam

Batid ko, sa taghoy ng katahimikan mo Bakas sa ihip ng hangin ang nakakunot na noo, Samyo ng nagbabagang hangin ng AGAM-AGAM Hindi mapigilang sakit ng di malamang pakiramdam. Ipinako ang paningin sa palubog na araw Malamlam na panginoorin, kulay ay mapanglaw, Linlang ng AGAM-AGAM, paniniwala'y nauupos Katulad ng malungkot na paglubog ng araw, liwanag ay nawala nang lubos! Puso'y kinurot ng dilim, hatid ay ligalig Di mawari kung saan susuling, nabibingi ang pandinig, Umuukilkil sa diwa, AGAM-AGAM ng pag-ibig Ako ba o siya, tayo na ba o hindi pa? Saan ka dadalhin ng AGAM-AGAM? Sa kawalang pag-asa ba at hayaang hangarin ay maparam? Iwasan na lamang ba at huwag nang lumaban Maniwala sa AGAM-AGAM na sa puso ay nakadagan? Ahhh...tanong ni JR, tila kulay ng mundo mo'y may bahid ng lungkot? Umiibig ka, wika mo, subalit mata mo'y mapanglaw, tila may takot, Halakhak mo'y may bahid ng AGAM-AGAM Tula na akda mo'y may guhit alinlangan sa pakiramdam. Hmn...Ang umibig ay dakila, wagas na adhika Hatid nito'y ligaya, nilulunod ang katauhang nagpaparaya, Subalit malungkot ang umibig sa taong ang minamahal ay hindi makasama Pupunuin ng AGAM-AGAM ang pusong umaasa! AGAM-AGAM...Saan ka dadalhin nito, kaibigan? Di nga ba't walang paglagyang AGAM-AGAM saiyo'y nakapasan? Marahil ay hindi sapat ang namutawing pag-ibig na may katiyakan Hindi mapapawi ng mga kataga ang AGAM-AGAM o ang alinlangan! AGAM-AGAM ng puso, pakiusap...ako ay iwan mo. Inner Whispers

Copyright © | Year Posted 2014




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Reflection on the Important Things