Submit Your Poems
Get Your Premium Membership

Read Dramatic monologue Poems Online

NextLast
 

Bakit Na Naman

Bakit hindi ko maiwasang umagos aking mga luha
Sa tuwing ako’y iyong binabalewala,
Nalulungkot at nalulumbay buo kong pagkatao
Sa mapait at matabang na sa aki’y pagtrato.

Naluluha at nasasaktan ako sa iyong mga banat
Pagkat mas lalo mo lamang nilalayo ang loob sa lahat,
Ngunit kahit gaano pa ka tulis ang iyong mga salita
Matitiis hindi pagkat ikaw ay namumukod tangi.

Alam mo bang nilalanghap ko bawat samahan natin
Tuwing tayo’y masaya, nagtatawanan at nagkukulitan,
Kaysarap ngang balikan parang nakakawala ng hapdi
Napakagaan sa pakiramdam at lumbay ay napawi.

Alam mo namimis ko ang tunay na ikaw
Hindi ko na kase iyon sa’yo natatanaw,
Noong ngiti mo’y napalitan na nang ngiwi
At ngayo’y halos wala na talagang mahawi.

Kailan ba tayo magkakasundo?
Hanggang kailan magdurugo aking puso?
Na ikaw ay tiisin at laging intindihin.
Kailan mo kaya mauunawaan itong damdamin?

Sana lang alam mo ang laman nitong puso
Sana alam mo ang bawat sugat at kirot nito,
Nang ang paghilom naman ang mamumuo
At liwanang sa isip at puso’y makakamtan ko.

NextLast

Comments

Please Login to post a comment





A comment has not been posted for this poem. Be the first to comment.



Back