Get Your Premium Membership

Kung Ikaw Lamang Ay S a N A

Sipunin si Nene noong una ko'ng masilayan Binigyan mo ng ngiti ang tikom na makipot na labi Kulay ng pisngi ay nag-iba, malarosas kapag ika'y nakikita At sa bawat ngiti ng mapanukso mong labi Di mawari, pakiramdam ko ang kagustuhang mayakap mo muli! Naging isa, tinadhana ng Lumikha Buong pagkatao isinuko pati ang kaluluwa Tamis ng pagmamahalan binabalik-balikan Sinumpaang pagmamahalan, malayang ipinaramdam. Halakhak na dulot ng malikot na isip Lalong napalapit sa iniibig Bawat luha na pumatak Buong pusong niyakap, inunawa, tinanggap. Mahal kita... saiyo ako ay gustong humabi ng SANA Hanap ka lagi ng puso, laman ng isip, nasa ng pagkatao Ikaw na tila kasukat ng katawan, kahati ng pagkatao, at sa pag-iisa ng mga kaluluwang tunay na nagmamahalan! Kung IKAW lamang ay SANA humabi na ako ng pangarap na TAYO ngang dalawa Magkahawak-kamay na tatahakin mamuhay sa mundo ng walang hahamakin! Subalit heto tayo, kasalukuyang nakakahon Ikaw sa mundo mo na bigla ay sinubok ng pagkalito Mahal mo ba siya o ako ba... O mamaalam na sa pagmamahalang walang kasing-sarap na pinagsaluhan? Ramdam ko ang pagbabago mo ngunit naiintindihan ko tanikala mo'y hindi kailanman mapapatid lalagi ka na lamang AKIN sa panaginip... Kung ikaw lamang ay SANA... Alam ko, tayo ay magiging maligaya. Ngunit... Akala ko nung una ang SANA ay pag-asa. Inner Whispers

Copyright © | Year Posted 2014




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

A comment has not been posted for this poem. Encourage a poet by being the first to comment.


Book: Reflection on the Important Things