Get Your Premium Membership

K a T a L

Pag-sulong ng oras at araw ay lubhang kaybagal Daig ang labing tatlong taong lumipas na kaytagal Pag-hihintay sa totong pag-ibig, wagas na pagmamahal Di man inlintana, malamig na lugar, MAINIT NA KATAL. Ako ay nasusunog sa init ng pag-ibig mo. Di ko akalaing ako ay magmahal ng ganito Napakalinis na pag-ibig ang hangarin ko Magmula sa ikabuturan ng kaluluwa't puso ko. Ako ay nasasabik sa iyong masidhing yakap at halik Hindi ako mahihiyang sabihing nais kitang makatalik, Yakapin ng mahigpit, ilagay sa aking dibdib at bisig. Maramdaman nating dalawa katal ng tunay na pag-ibig. Sa namutawing kataga, nais kong malunod Huminga ng malalim...at sayo'ng gusto'y sumunod Pilit kong pinaglalabanan, katal ng pakiramdam Ngunit sa aking kaibuturan gusto kita'ng maramdaman. Nais kong maramdaman init ng iyong kalamnan... Maramdaman ang nagbabagang init ng iyong puso't kalooban Magpatangay sa katal ng wagas na pag-ibig Na lumulukob sa katauhan ko, puso'y ito ang pintig! Halika...sa aki'ng kandungan ika'y humapon Init ko'y suklian, katal ko'y pawiin Damhin ang masidhing pananabik, ito'y namnamin Magpapaubaya ako ng buong puso at sa katal mo'y pababaon. Inner Whispers

Copyright © | Year Posted 2014




Post Comments

Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.

Please Login to post a comment

Date: 3/15/2014 12:37:00 PM
Astig. This is so badass!
Login to Reply
Whispers Avatar
Inner Whispers
Date: 3/17/2014 4:23:00 AM
haha...salamat, Jake Ponce!

Book: Shattered Sighs