Dalit Kay Nina
Kung sasariwain ko sa 'king isip
Ang nangagdaang mga kapanahunan,
Liban kay Jessang lubhang pinintakasi,
Ikaw'y naroon 'di ko maikukubli!
Sa koliheyo kata'y nagkakilala,
Katoto kita sa 'sang asignatura,
Sa unang tagpo'y 'di ko maikakaila
May paghanga ako sa iyong nadama.
Aywan ko rin ba Nina't 'di ko sadya
Na noon ni Kopidp ako'y napana.
Nasok sa kamunti- muntiang himaymay
Na aking laman katagian mong taglay.
Makailag- ulit sa silid-aralan,
Habang ating guro' nagbab'hagi alam,
Ako'y nag-aastang maysakit tiyan,
Labas- pasok silid ng ikaw'y matunghan!
Minsan, maaga pa sa silang ng araw
Kung ako'y dumatal sa silid- turuan.
Takot mahuli? Oo! Ngunit ang pakay
Liban sa takot, Nais kang masilaya.
"di naglao'y lumipas ang mga araw;
Ikaw'y ipinagdamot, wari ninakaw
Ng oras. Naubos buong limang buwan
Kay bilis, animo kidlat kang naparam.
Sa gayon ka tatamis na alaala,
Ay gayong dita rin sinikap kong bathin.
Dahil sa likod ng sibol nang paghanga,
"di ko nasabing, "Nawa ikaw ay akin!"
Ngayon, tila mga along nagbabalik
Ang mga araw ng tuwa kong nasapit.
"yong mga araw'ng ma kamandag sa huli
Ngayong kaklase kita sa Master's degree.
Ngunit ngayong tana'y multong nagbabalik,
May sinusumpa akong 'di mauulit!
Ang batid ko lang a siyang gaganapin
Ay liligawan kita. Walang pipigil!
Kung sakaling ngayon ikaw'y may pag- ibg,
At ikaw Nina'y sadlak sa pagkatali,
Magka- ao ma'y 'di ako palulupig!
Laya mo ay hihintayin hanggang huli!
Copyright © Milbert Salmasan | Year Posted 2014
Post Comments
Poetrysoup is an environment of encouragement and growth so only provide specific positive comments that indicate what you appreciate about the poem.
Please
Login
to post a comment